United States or Kazakhstan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sasaysayin co Feliza, ang man~ga regla na dapat alinsunurin. Magbibigay luhód sa casama ó caibigan, pagbibigyang honor ó puri, n~guni ang pagbibigay ay tapat sa loob, at di paimbabao. Houag magnasaang pintuhoin at igalang nang caibigan cun di mamahalin, na para nang pagmamahal niya sa sarili. Hindi ang isa lamang ang magpapaquita nang loob, cun di capoua magpapaquitaan.
Caya Feliza, in~gatan mo si Honesto, pagdating nang capanahonan, tapunan mo nang magandang aral, nang houag pumaris sa iba na ualang iniisip cun di ang tin~galin sa caibuturan nang camahalan, sucuan igalang at pintuhoin nang tauo sa bayan.