United States or Georgia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Dito sa matapang na salita at mainit na sagot ni tandang Basio, ay uala acong naalamang isagot, caya binali co,t, pinatid ang pinag-uusapan namin nang matanda, at ang uica co baga, sa caniya. Bucas, pó, nang umaga, cung may aua ang Pañginoon Dios, ay luluas na, pó, aco. Madali, pó, naman cayo, ang biglang sagot ni Basio at nang caniyang asaua at mañga anac.
Ang uinica ni don Juan yao'i, masamáng maiuan, aquin ngang pagbabalicán at aco'i, nahihinayang. Sa hindi ngani mapiguil itong príncipeng butihin, ay nagtali nangang tambing lumusong na magtuloy rin. Nang mayroong sampóng dipá ang lúbid na nahugos na, ay pinatíd capagdaca ni don Pedrong palamara. Di anong casasapitan sa gayong lalim na hucay, gauang capanganyayaan capatid na tampalasan.
Cayâ ang guinaua,i, inagapayanan catauang malatáng parang bagong bangcáy at minsang pinatid n~g espadang tan~gan ualang auang lubid na lubháng matibay. Umupo,t, quinalong na naghihimutoc, catauan sa dusa hinin~ga,i, natulog, hinaplus ang muc-ha,t, dibdib ay tinutóp, nás