United States or Croatia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa boong Maynila nang mga araw na yaon ay nagsalabat ang Santa Cruz de Mayo at sa gawing kaliwa ng bahay na aming tinirhan ay may isang lutrinang hari ng gulo sapagka't panay na mga batang lansangan ang nagsisiilaw, nguni't nang mga huling gabi, sa dakong pagtatapos ay lumalaki at humuhusay sapagka't pinakialaman na ng matatanda at nagpalaluan pa ang mga "Hermano Mayor."
Tayo'y malalaki na; ako'y mayroon nang labing tatlong taon at ikaw nama'y labing apat. Ang ating kilos ay ibang iba na sa dati: hindi na tayo nakikipaglaro ng tubigan ni takip-silim; hindi na tayo nagbibiruan at para tayong matatandang formal na formal kung mag-usap; datapwa't batang isip pa rin tayo, kaya't ang ating napauusapan ay panay na kamusmusan.
Nalís sa Singapore ang "Isla de Panay." N~g magdaan sa Port Said ang vapor na itó, ay tumanggap ang capitan n~g utos na piitin at hwag papakipagusapin canino man si Rizal.