United States or Malaysia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kung kapagkaraka'y gayak na siya, mawiwika nitong talagang sinadya niya ang gayong pagbibihis. Naglabas na naman n~g iba: ang isa sa kanyang pinakamagagarang pangbahay ang napiling kunin. At gaya n~g una, ay isaisang inilaglag ang kasuutang nasa katawan. N~guni't hindi rin tumama sa kanyang loob ang damit na huling pinili, kaya't di na naman ipinagpatuloy ang pagsusuot.
Nalilimutan mo lamang marahil kaibigan ang kasabihang: Pues que la vida es corta, soñemos, alma, soñemos! Hale n~ga, sabihin mo n~ga naman, eh bakit ikaw, hindi ka na nagsawa sa amerikanang de cinturon at sa di pagsusuot n~g sumbalilo? Lui: Tao ka n~ga pala. ¿Hindi mo ba natatalos na iyan ang costumbre americana?
Inubos niya ang caya sa pagsusuot n~g lalong magaling niyang damit, at canyang inilagay sa canyang sutlang "bátá" ang lahat niyang m~ga cintas at m~ga bulaclac, upang siya'y caalang-alan~ganan n~g m~ga "provinciano" at maipakilala sa canila cung gaano calaki ang canilang calayuan sa canyang mahal na cataohan; caya't cumapit sa bisig n~g canyang pilay na asawa at nagpakendengkendeng sa m~ga lansan~gan n~g bayan, sa guitna n~g pangguiguilalas at pagtataca n~g m~ga tagaroon.