United States or Saint Kitts and Nevis ? Vote for the TOP Country of the Week !
Inubos niya ang caya sa pagsusuot n~g lalong magaling niyang damit, at canyang inilagay sa canyang sutlang "bátá" ang lahat niyang m~ga cintas at m~ga bulaclac, upang siya'y caalang-alan~ganan n~g m~ga "provinciano" at maipakilala sa canila cung gaano calaki ang canilang calayuan sa canyang mahal na cataohan; caya't cumapit sa bisig n~g canyang pilay na asawa at nagpakendengkendeng sa m~ga lansan~gan n~g bayan, sa guitna n~g pangguiguilalas at pagtataca n~g m~ga tagaroon.