Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 8, 2025
Pinagasisicapan niyang sa pakikipagmatuwiran tungcol sa religio'y huwag sugatan ang pagsampalataya n~g ibá; malumanay siyang tumututol, at gumagamit siya n~g magagalíng na paraan upang huwag siyang camuhîan n~g canyang causap. Minsa'y sinadyâ siyá sa canyang bahay n~g jesuitang si párì Obach, at pinakiusapan siyang siya'y magbigay n~g caunting ambag sa gugugulin sa pagpifiesta cay San Roque, na pintacasi sa pangulong nayon n~g Dapitan: Hindî pô maaarî, padre ang isinagot ni Rizal na nacan~gitî at maámò ang pananalitâ ¿papaano po bang ibig ninyong aco'y umambag sa pamumuhay n~g isáng capan~gagaw co? Sa araw na si San Roque na lamang ang siyang macapan~gan~gasiwâ sa panggamót, ¡mawawalan acó n~g cabuluhan sa ibabaw n~g lúp
Sa pagca't waláng anó mang mahalagang nangyayari sa m~ga taong sinasaysay natin ang buhay na pinagdaanan, sa gabí n~g sinusundang araw n~g fiesta at gayón din sa kinabucasan, magalac na lalactawan namin ang araw na itó n~g pagsasayá, cung di lamang inaacala naming baca sacalì han~garing maalaman n~g sino mang bumabasang taga ibang lupaín cung paano ang guinagawá n~g m~ga filipino sa caniláng m~ga pagpifiesta. Sa ganitóng cadahilana'y sisipiin naming hindî daragdaga't hindî babawasan ang iláng m~ga sulat, na ang isá sa canila'y ang sa "corresponsal" n~g isang pamahayagang matimtiman at tinatan~gi sa Maynil
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap