United States or Puerto Rico ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nagsulatán si párì Pastells at si Rizal mulâ n~g Agosto n~g 1892 hanggang Mayo n~g 1893. Pinagpipilitan ni párì Pastells na maakit si Rizal sa pagbabalic-loob sa religión católica. Hindî pa nagcasiya'y inutusan ni párì Pastells na pumaroon sa Dapitan si párì Francisco de Páula Sánchez upang causapin si Rizal at pagtiyagaang hicayatin sa pagcampí sa religión católica.
Halos sa baua,t, fojas at sa baua,t, talata ay may mababasa roong man~ga sabing sinun~galing, man~ga udyoc na capangahasan, man~ga nacamumuhi,t, mahalay na iparin~gig sa man~ga tunay na cristiano, man~ga paglalapastan~gan sa man~ga cagalang-galang na Puno nang santa Iglesia at sa caramihang cristiano, man~ga pagsisiphayo sa Dios, man~ga camangman~ga,t, cahunghan~gang humihicayat sa pagcampi sa tacsil at sucab na si =Lutero= at sa iba pang man~ga ereje, man~ga aral na lubhang lihis at man~ga =erejíang= tunay; ano pa,t, hangan sa umuudyoc upang houag sampalatayanang may Dios . Ang lahat nang ito,i, pauang mababasa diyan sa tampalasang libro, at caya =baual= na basahin, at ang pagbasa noo,i, isang lubhang mabigat na casalanan.