Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Abril 30, 2025
Naparoong agad at canyang tiningnan dahilan sa hindi siya mapalagay, dinatnan ang anác na nagugulaylay sa oyaying baguing na dating tulugan. Ang bati nang iná ¡ay bunsóng anác co! baquin naman icao,i, muling naparito bilin nang amá mo,t, pan~gusap sa iyo houag cang aalis icao,i, casama co.
At cun macatapos siya,i, macacain aalis na muli puló,i, tutun~guhin, hihiga pagdaca sa oyaying baguing matutulog siya nang himbing na himbing. Ano,i, nang dumating yaong canyang amá agad itinanong sa esposang sinta, ang bunsóng anác co,i, nasasaan baga baquin uala rito,i, di co naquiquita.
Ito namang anác ay di nag tatanong at anoma,i, uala na inioon~goy, sa canyang tahana,i, laguing naroroon sa oyaying baguing humiga,t, buman~gon. Mana,i, isang gabi na catahimican sa oyayi niya ay nagugulaylay, himbing nang pag tulog siya,i, linapitan nang isang matanda,t, cagyat na pinucao.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap