Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 12, 2025
Dapat na maunang mag-alay n~g kamay ang nakatataas sa pagkakamayan; sa m~ga batian ay gayon din naman, di sukat mauna ang natataasan. Kaya ang babayi'y siyang nararapat mag-alay n~g kamay sa makakau-sap sapagka't saan mang m~ga paghaharap, ang babayi'y siya ang nakatataas. Gayon man ay dito'y nakagawian na ang m~ga lalaki'y siyang nan~gun~guna.
N~gunit kung sakaling umurong din siya at pipilitin kang ikaw ang mauna, kung hindi rin lamang natataasan ka, pasalamatan mo at magtuloy ka na. Ang kahit man sino ang sa iyo'y dumalaw ay iyong ihatid hangang sa hagdanan: sákaling madilim ay iyóng tanglawan hangang na sa loob siya n~g bakuran.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap