United States or Liberia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Narinig din siyá ni doña Consolación sa oras na iyón n~g canyáng cainipan, at n~g canyáng maalaman cung sino ang cumacanta'y nag-utos: ¡Papanhikin ninyó siyá agad-agad! ang canyang sinabi pagcaraan n~g iláng sandaling canyang pag-iisip-isip. Isang bagay na nacacahuwad n~g n~giti ang siyang nasnaw sa canyang tuyong m~ga labi.

Nasnaw ang isáng n~giti sa m~ga labi n~g matandang militar, na madalang na muling sumagót, na anaki'y sinusucat at tinitimbang ang canyang m~ga salita: ¡Ikinaliligaya cong umisip cayo n~g papaganyan, at ... ganyan n~ga sana! Gayón man, binata, dapat ninyóng maalaman cung anó ang m~ga mabibigat na bagay na pinapas-an namin sa Fiilpinas, Dito'y caming m~ga matatandang m~ga militar, kinacalian~gang gawin namin at lumagay cami sa lahat; Hari, Ministro n~g Estado, n~g Guerra, n~g Gobernación, n~g Fomento, n~g Gracia at Justicia at iba pa, at ang lalo pang masama'y kinacailan~gan naming ipagtanóng ang bawa't bagay sa malayong Inang Bayan, na sinasang-ayunan ó minamasama, n~g papikit cung minsan, ayon sa casalucuyang panahón, ang aming m~ga panucalang cahin~gian. At ¡bago sasabihin namin m~ga castilang; Ang yumayacap n~g malaki'y hindî nacapipisil na mabuti! Bucód sa rito'y ang caraniwan, napaparito caming bahagya na napagkikilala ang lupaing itó, at iniiwan namin pagpapasimula naming makilala. Sa inyo'y macapagsasalitá acó n~g walang ligoyligoy, sa pagca't walang cabuluhang magpacunuwari acó n~g ibáng bagay. Caya n~ga cung sa España, na bawa't bagay may ucol na canyáng ministro, na ipinan~ganác at lumaki rin sa lupaíng iyón; na may m~ga pámahayagan at napagkikilala ang munacala n~g m~ga mamamayan, na iminumulat at ipinauunawa sa Gobierno ang canyáng m~ga camalian n~g canyá ring m~ga camáy, gayón ma'y hindî wastô at maraming totoo ang m~ga caculan~gan, isáng himala na dito'y hindî magcaguló-gulong lahát, sa caculan~gan n~g m~ga cagalin~gang sinabi co na, bucód sa rito'y may isáng macapangyarihang caaway na humahadlang sa lihim sa icagagaling nitong Kapuluan at lumulubid sa cadiliman n~g icahihintó nitó sa pagsúlong sa guinhawa at dan~gal. Hindî nagcuculang n~g magagandang panucal

N~g una'y pinakikinggan siya n~g cura na nagtataca at inuulinig ang canyang pananalita, saca untiunting nasnaw sa canyang m~ga labi ang isang lubhang malaking nagpapawalang halaga at pag-alipusta, sa pagcamasid n~g gayong daya at paglambang, na cung nakita sana ni Lucas, marahil siya'y tumacas at nagtumacbo n~g boong tulin.

Salita Ng Araw

babayaan

Ang iba ay Naghahanap