United States or Bosnia and Herzegovina ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kinalong ng babae ang pilay at nagsabing: Kunan ninyo ng dalawang sukat ito. Igawa ninyo ng isang sapatos ang paang pilay at tatlo ang magaling, sapagka't kambal ay magkapara ng sukat. Pagkatapos na masukatan, ay nagtanong si Semel na nakatingin sa pilay: Anu po ang ikinapilay? Ipinanganak na pu bang ganyan? Hindi po, natuntungan ng kanyang ina.
Pagkarinig nito ng asawa ay napatingin doon sa di kilala, na nakatingin naman sa kanya, at ang kanyang kalooban ay nabagbag. Siya'y muling nasok at upang maghanda ng hapunan. Siya nga ay naghain at kanyang inihain ang kahuli-hulihang tinapay. Hala, kumain ka, ang sabi. Binatak ni Semel ang binata hanggang sa dulang. Lumapit ka kapatid. Pumutol ng tinapay, binasa at nagpasimulang kumain.