United States or French Polynesia ? Vote for the TOP Country of the Week !
N~gayó'y dumáratíng na siyá sa tapát n~g bahay na nátitirik sa gawîng kaliwâ n~g líwasan. Sa bahay na itó'y walâng tumátanglaw kundî ang isáng ilaw na kúkutikutitap. Hakbánghakbáng na lumun~go sa pintûang noó'y nálalapat pa ang dalawáng dahon, n~gunì't nang siyá'y nálalapit na ay siyáng pagkabukás nitó sa tawag n~g isáng nakatalukbóng na itím.
Nag agahan, at n~g maluat na'y nag paalam na muli; ang ina na mapag palayaw at mairugin ay di makatangi pinahintulutan siya, kaya't itoy lumakad na nakatalukbong n~g paniyong sutla at sapagka't di naman lubhang malayo ang bahay n~g kaniyang ali ay agad na narating, walang pan~giming pumanhik at nagtuloy palibhasay isang bahay na lagi niang pinaparoonan, pumasok sa loob at dinatnan ang kaniyang tia Enciang na nananahi.
Pumasok ang ating binata sa looban at sinalubong ang kaniyang irog, n~guni't sa kaniyang pagpasog ay namalas pala naman agad siya n~g isang babaeng putos na putos n~g itim, nakatalukbong at agad na sumunod sa binata at n~g kasalukuyang sapupo ni Peping ang malantik na baywang n~g kaniyang Anchang ay siyang pagdating n~g binibini na sa dagok n~g pighati sa kaligayaligayang buhay n~g dalawa at sa kahapishapis niyang kapalaran ay hinawakang mahigpit ang kaniyang sundang patakbong lumapit at itinarak sa dibdib n~g binata kasabay ang m~ga nan~gan~gatal niyang salitang: ¡¡¡Masakim!!!....¡¡¡Masakim!!!
Salita Ng Araw