United States or Saint Lucia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sapagca yaong man~ga cacaonti na hindi natutunao sa sicmura touing arao, ay naiipon nang naiipon doon,na yao,i, ang iquinapagcacasaquit nang may catauan sa calaunan. Nacacapagcasaquit naman sa tauo ang pagcaing minsanan nang man~ga sarisaring bagay na hindi magcaayon para nang chocolate at saguing, etc.
Párrafo I. Ang unang nacacapagcasaquit sa tauo, ay ang calacasan nang pag-gaua; yaon bagang tauong nagsasaquit gumaua, na ualang tahan arao-arao, na hindi nagpapahin~ga. Cun minsan ang gayong tauo,i, manhihina, at manlalata, at maliuag magsauli sa caniyang datihang lagay na magaling; cun minsan naman magcacasaquit nang garrotillo ó sintac, ó maguiguing ética caya.
Cun ang babaying nagpapasuso sa bata dinaanan noong man~ga bagay na yaon, ang gatas niya,i, sungmasamá at nacacapagcasaquit sa sungmususo, na cun minsa,i, iquinamamatay niya agad.