United States or Oman ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ako'y sumaiyo n~g buong buo, sa iyong pagkukuro, na, upang makilala ang "habilidad" n~g isang "autor" ay sa pagtatanghal n~g isang dulang "iilan" ang m~ga taong gumagalaw, buháy ang m~ga tagpuan at busog sa kasariwaan n~g isang diwang ibinubuhay o nilalayon. Sa tatlong katha n~g m~ga beteranong mandudulang nabanggit ko na sa iyo, na kapwa ko napanood, ay masasabi ko sa iyong isang katan~gitan~gi.
Nasabi ko ang ganyang malayang kurokuro, dahil sa nasaksihan ko, oo, Kasamang Delio, nasaksihan n~g dalawa kung mata na ang m~ga kinatha n~g tatlo nating "hari n~g sariling dulaan" ay hindi na maihuhuli, maging sa layon, sa isipan, sa diwa at sa kabuuan man, n~g m~ga nakatha n~g m~ga nabanggit ko nang mandudulang taga ibang lupa.
Salita Ng Araw