United States or Belgium ? Vote for the TOP Country of the Week !
Malaquing-malaqui; malaqui, na di ganoon lamang, ang toua,t, saya nang mag-asaua ni cabezang Dales, nang mariñgig nila ang napapalaman sa sulat nang canilang anac na si Próspero. Minamariquit nilang totoo ang mga sinasalita roon ni Proper; at ang isip nila baga,i, nacarating na ang canilang anac sa cataluctucan nang carunuñgan.
Datapoua,t, cung sa canita ay iba na ang cahulogan, at malayong-malayo sa sucat acalain nang ibang tauo. Cung sa ganang aquing, ang tuloy na uica nang Cura; cung sa ganang aquing, ay sasabihin co sa iyo, na malaquing-malaqui, at masamang-masama ang cahulogan nitong sulat na ito.
Ayuan co pó; subali,t, masasabi co, pó, sa inyo, na masamang-masamang totoo ang cotug nang aquing loob, at malaquing-malaqui, pó ang tacot co, na baca sacali,t, mapahamac ang aquing capatid, na minamahal at manamabait co póng totoo, cung paluasin, pó, ninyo siya sa Maynila.