Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Hulyo 10, 2025
Hindi mo ba tantong bawal sa alin mang kapisanang mapísan ang tatlong cargong iyan sa isang tawo? ¿Kung pumarito sa iyo ang fiscal general at hin~gan n~g cuenta ang secretario ikaw ba ang magpipirisintá n~g kasulatan? ¿Kung hin~gin sa iyo nang fiscal ang linaw kung magkanong naiipong kwalta n~g samahan sa m~ga ambagang ating nagawa? ¿Paanong gagawin mo? ang lanták ni Tenteng.
Magtahan ka, ang sagot ni Kadiliman, at hindi mo dapat maalaman ang kalihimang ito, sulong, matulog kana, muli na namang nagbububulong; hindi maubos madili ni Lolay ang ligálig na ito n~g asawa niyang irog kaya't napilitang nan~gusap n~g: Hito pala lamang ang may sulat niyan, di bayaan moná baká ka pa matibô, at sinabayan n~g hatak sa kamay na may pluma tayo na asawa ko; batak-batak hangang sa kanyang hihigan at saka lamang na tahimik si Lolay, bakit mag-uumaga na; anopa't nang nakahiga na si Kadiliman, ay satuina't magigiling ang matá sa paghiga, bigláng nagugulantang na tila na wawari ni Kadiliman na siya'y binabatak nang m~ga kaluluwa sa Purgatorio na nagsipagbayad sa kanya bago málibing, at ang isa sa m~ga kaluluwang ito'y nan~gusap n~g malumanay na waring nangagaling ang voces sa ilalim n~g lupa ganitô ang sabi n~g kalulwa: Kadiliman, Kadiliman, magsisi ka n~g iyong sala ¿saan mo dinádalá ang kwalta n~g m~ga patay bago ibaon?
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap