Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Hunyo 9, 2025
Sa gayong malungkot na pagmumunimuni ni Mauro, ang asawa niyang si Serafina Halili, babaing puspos hinhin, maran~gal at matalino, na di lamang karapatdapat na iná n~g tatlo nilang maliliit na anák, kundi isá rin namang katulong at katuwang niya sa malaking pagbabaka sa buhay, na mula pa nang m~ga unang sandali'y nagmamalasmalas na sa anyo at kilos n~g asawa, ay di na nakabatang di lumapit at magusisa: ¿Bakit ka nalulungkot? ¿Ano ang nangyayari sa inyó? ¿May malubhang bagay bagang sinasapit ang inyong kilusan? ang sunodsunod na tanong ni Serafina.
"Ang babai ay huwag mong tignáng isáng bagay na liban~gan lamang, kungdi isáng katuwang at karamay sa m~ga kahirapan nitong kabuhayan; gamitan mo n~g buong pagpipitagan ang kaniyáng kahinaan, at alalahanin ang ináng pinagbuhata't nagiwi sa iyóng kasanggulan." =Ang ayaw mong gawin sa iyo....=
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap