United States or Falkland Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


At wala namang idinagdag, ni isa mang tuldik na pangtanong, kahi't napaghahalatang talagang kulang at sa kapaubayaan na lamang ng kahista.

"sa gauâ at uica,i, mahuhulihan". Ganito rin, sa malas, ang na kay De los Santos; nguni't sa "Kun sino ..." at kay P. Sayo ay "nahuhulihan" ang nasa mahuhulihan". "n~g magandang asal ng amá co,t, ." Maliwanag na kamalian ng kahista ang "", na dapat basahing "iná". "Ang pagcatutu co,i, anaqui himalâ". Kay P. Sayo ay may pang-ugnay na "y" ang "anaqui"; at ito'y mapaghahalatang mali.

Hindi natin malaman kung talagang iya'y kasamahan lamang ng mga "kinalalagi-an" at "doon~gan", na kay hirap hinagaping kamalian lamang ng kahista, o kung tunay na kamalian nga lamang nito.

CONDI. Ginawang "kundi" ni P. Sayo at ng "Kun sino ..." ayon sa bagong pagsulat natin. Sa aklat na ito ay makikita ang paibaibang pagkakasulat sa salitang ito: kung minsan ay "condi" at kung minsan naman ay "con di" at "cundi". May palagay kaming ang ganitong pagkakaibaiba ay sa kasalanan na lamang ng kahista.

Tungkol sa "na unang", sa tulang: "Dito co naticmán ang lalong hinagpís, higuit sa dalitang na unang tini-is"... ang "na unang" na iyan ay kahalintulad lamang ng "na sabi" at "na aba", "na aalang-alang", atbp., na dapat basahing "naunang", "nasabi", "naaba", "naaalang-alang". Pawang kamalian lamang ng araláng kahista.

"Dusa sa puri cong cúsang siniphayò, palasong may lasong natiric sa púsò; habág sa Ama co,i, túnod na tumimò aco,i, sinusunod niyaring panibughò". Sa limang ito ay kay liwanag na napagkikilala ng dadalosdalos ng kahista. Sa unang halimbawa ay ginamit ang salakot, sa lahat na, gayong hindi nararapat sa ikalawa at ikatlong talata.

At yamang napag-uusapan na rin lamang ang kawalang ingat ng limbagan, o lalong maliwanag, ng kahista, ay daliriin na natin ang maraming kamalian. Daliriin ang ukol na lamang sa pagkukudlit ("acentuación ortográfica"), at huwag na ang sa ibang bagay yamang matutukoy na rin lamang natin sa mga ibang paliwanag. At upang huwag na tayong mag-aksaya ng maraming panahon yamang kay liwanag namang napupuna ng matatalin ng mangbabasa ay tingnan na lamang natin ang sa mga tulang sumusunod: "Datapua,t, sino ang tataróc cayâ sa mahál mong lihim Dios na daquil