United States or Madagascar ? Vote for the TOP Country of the Week !
Makailang araw, kami'y nagbalik; gaya rin ng aming pagalis na hindi mo namalayan, at buhat sa "azotea" ng aming bahay ay natanaw kitang nakikipaglaro ng tubigan sa ating mga kababata. Noo'y gabing maliwanag ang buwan at kayo'y nasa inyong bakuran. Agad kitang pinaroonan.
Ang ating laro'y natapos ng gabing iyon, sapagka't sa nagsisunod na gabi'y panay na salitaan ang ating ginawa. Nguni't ¿ano ang ating napagusapan? ¿Panay pang kamusmusan na gaya ng mga unang araw? Hindi na. ¿Nagkatalastasan na kaya tayo ng itinitibok ng ating puso? ¡Aywan! datapwa't buhat noon ay unti-unti na tayong lumayo sa, ating mga kababata, sapagka't palagi tayong pinagtututukso.
Aasahan ko Manuel, salamat sa pagpa-paalaala mo't nanariwa sa aking gunita ang ating kahapon: ang maligaya nating kahapon. Naaalaala ko ngayon na isang araw ng linggong kulimlim ang araw ay naligo tayo sa dagat. Marami tayo, kasama natin pati mga pinsan kong babae na kababata rin natin.
¿Totoo nga kayang ang paghihigpit ng iyong ama ang naging dahilan ng hindi mo pagkadalaw sa akin? ¿Hindi kaya totoo ang nabalitaan kong si Enchay na kababata natin, ang nagbawal sa iyo? Huwag kang magkaila at ipakikita ko sa iyo ang katunayan na si Enchay nga; huwag kang sumumpa at baka ka mapahiya sa dakong huli. Kaylan ko natanggap ang balitang iyon at sino ang naghatid sa akin?
Salita Ng Araw