United States or Sweden ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang bubong n~g bahay ay pilac na lantay cun tamaang sinag nang init nang arao, sinomang tumin~gin ay di matitigan at macadudulit sa pagquiquisapan. Calagayan ninyo pala ay guinhaua paliguid nang bahay ay jardineria, itong tauo pala,i, uala mang cuenta ay di masasabi sasapiting hanga.
Paliguid nang bahay ay jardineria macetas na pauang caligaligaya, ang sinoma,t, aling tauong macaquita cun may capanglaua,i, magtamong guinhaua. Saca sa hagdana,i, iyong patayoin ang dalauang ásong capoua magaling, aco,t, man~ga anác at esposang guilio ay halabin cami dito cun dumating.
Malaquing totoong dalang catouaan alin mang bintana na canyang dun~gauan, ay jardineria,t, sari-saring bagay nan~ga mamacetas sadyáng caban~guhan. Ipagparito co sa haring monarca bunying si D. Feliz amá niyang sinta, isang arao n~gani nanunun~gao siya sa real palacio loob ay nagtacá.
Salita Ng Araw