United States or Vanuatu ? Vote for the TOP Country of the Week !
Dahilan dito,i, ang ano-anomang balitang dumarating sa canila tungcol sa iyo, ay cahima,t, gangabutil nang bigas lamang, ay guinagaua nilang ganga calabao nang laqui.... ¿Ay ano, ang tanong ni Próspero, ay ano caya ang dapat cong isagot sa canila? ¡ Apurado ca naman! ang sigao nang taga Pacong estudiante, ¡apurado ca naman!, hindi pa tapos ang aquing sinasalita, at nagtatanong ca na.
Nang nariñgig nang mag-asaua ni Dales itong salita nang aming Cura, ay napaiyac sila capoua, at pagcamayamaya,i, nag-uica si cabezang Andrés nang ganito: Maca, pó amo, iyang mañga balitang iyang dumating sa inyo,i, hindi totoo; at talastas, pó, ninyo, na, cung minsan, ang gangabutil nang palay, ay ginagaua nang mañga bibigang tauo na casinglaqui nang latore nang ating Simbahan.