United States or Nigeria ? Vote for the TOP Country of the Week !
KALINT. Maigueng pasiya ... at sa anting-anting na aquing iniñgat ... na aayon mandin!... ang magandang atas dapat nating sundin. JOSEFO. Cun ang pasiya co ang paaayunan si Chito ang ating suutan't gayacan sa pagcat ang sabi at uica sa tanan siya'y may daluping pinanghahauacan. Na cun ga totoo ating masusuboc sa paquiquibaca at paquiquihamoc sa loob at labas ng alin mang muog.
At cung hindi tablan ng taga at sacsac ay iyong barilin ng sa boong dahas ng upang matalos ang buti cong hauac at ng maniuala ang macamamalas. KALINT. Tignan co! tignan co! aquing susubuquin ang daluping ito na lubhang magaling ng nawa'y mahaui ang dauag sa bañgin na nacasusucal sa iyong panimdim.
CHITO. Cahiman mag-ubos ang galing at buti hindi magcacagahi ang pagcalalaqui di magugutlian ang taglay na puri di masusugatan ang pagcabayani. KALINT. Diyata! diyata! hindi co tatablan ang daluping itong ualang cabuluhan asahan catoto abó na ñgang tunay itong baluti mong pinacacamaha. LUSINO. Aco ñga! aco ñga! ang iyang susuboc sa anting-anting mong pina-iimbulog.