United States or French Polynesia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa sandaling iyó'y naligo n~g dugo ang canilang maliit na útac, sumilang ang lintíc, at taglay ang canilang catutubong tapang ay mabilis na nagpanalpoc ang dalawa, nagcapanagupa ang tuca laban sa tuca, ang dibdib laban sa dibdib, ang patalim laban sa patalím at ang pacpác laban sa pacpác: naiwasan n~g isa't isá n~g boong catalinuan ang sacsác at walang nanglaglag cung hindi iláng balahibo lámang.

Dinaluhong siya n~g sacsác n~g pula n~g boong galit, n~guni't marunong magsanggalang n~g boong calamigan n~g loob: hindi n~ga walang cabuluháng siyá lubós na kinalulugdan n~g caramihang naroroon. Hindi kinalilin~gatan n~g lahat ang matamang panonood n~g m~ga nangyayari sa paglalaban, at may m~ga iláng cahi't hindi sinasadya'y nan~gapapasigaw.

CHITO. Subuquin cung iyong tatablan ng tagá at sacsac at balang maañgal. KALINT. Cung lumilipad na iyong mga bagang mangyayari caya muli pang mabuhay? CHITO. Huag ang catauan ang iyong subuquin cung mayroon tacot hinayang sa aquin ang iyong unayan ng tagang madiin itong baluti co na may anting-anting.

Sa cawacasan, sa pagtikim sa cahulihulihang pagpupumilit, sumalpóc ang puti upang ibigay ang panghuling sacsác, ipinaco ang canyang tari sa isang pacpac n~g pula at napasabit na m~ga butó; datapuwa't nasugatan ang puti sa dibdib, at ang dalawa, na capuwa linalabasan n~g dugo, nanglulupaypay, humihin~gal, nan~gagcacacabit, ay hindi nan~gagsisikilos, hanggang sa natimbuang puti, sumuca n~g dugo sa tuca, nan~gisay at naghin~galo; ang pulang nacacabit sa canya sa pacpác at nananatili sa canyáng tabi, ay untiunting ibinaluctót ang m~ga hita at marahang pumikit.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap