United States or Maldives ? Vote for the TOP Country of the Week !


¡Macapagsasalitâ na cayó, sa pagcá't cayó'y pinakíkinggan námìn n~g boong pagmimithî! ang sinábi n~g m~ga binan~guít na m~ga caibigan, at iba pang m~ga táong nan~gagpápalagay na siya'y dakílang mananalumpatî: nan~gag-úubo n~g bóong ligaya ang m~ga matatandâ at caniláng pinagpípisil ang dalawáng camáy. Pagcatápos na macapagpáhid n~g páwis si capitán Basilio n~g canyáng panyóng sutlâ, ay nagpatúloy n~g pananalitâ: Yamang lubháng nápacaganda ang inyong calooban at mapagbigay lugod sa ating abáng cataohan, sa pagcacaloob sa aking acó ang macapagsalitáng máuna sa sino mang náririto, sasamantalahin co ang capahintulutang itóng sa aki'y ipinagcaloob n~g bóong cagandáhan n~g pusó at aco'y magsasalitâ. Iniisip n~g aking isip na aco'y sumasaguitnâ n~g cagalanggalang na Senado romano, "senatus populusque romanus", na sinasabi nátin niyóng m~ga caayaayang panahóng sa caculan~gang pálad n~g Sangcataóha'y hindî na magbábalic, at aking híhin~gin sa "Patres Conscripti", ang sasabihin marahil n~g pantás na si Ciceron, cung siyá ang málagay sa catayuan co n~gayón; hihín~gin co, sapagca't capós táyo sa panahón, at ang panaho'y guintô, áyon sa sábi ni Salomón na sa mahalagang pinag uusapan n~gayo'y sabíhing maliwanag, maiclí at walang

Ayon sa hindî pag-imíc na námamasid, sino ma'y áyaw na siyá'y tawagguin "patres conscripti", síno ma'y waláng tumítindíg: n~g magcagayó'y sinamantala ni Don Filipo ang nangyayari at humin~gíng pahintúlot na macapagsalitâ. Nan~gagkindátan at nan~gaghudyátan n~g macahulugán ang m~ga conservador. ¡Iháharap co, m~ga guinóo, ang áking panucalang gugugulin sa fiesta! ani don Filipo.

Salita Ng Araw

matitimbuang

Ang iba ay Naghahanap