Vietnam o Thailand? Bumoto para sa TOP Country ng Linggo!
Gusto mo bang mag-type nang mas mabilis? Mag-practice gamit ang typing test o mag-enjoy sa typing games!
Na-update: Hulyo 9, 2026
¡Macapagsasalitâ na cayó, sa pagcá't cayó'y pinakíkinggan námìn n~g boong pagmimithî! ang sinábi n~g m~ga binan~guít na m~ga caibigan, at iba pang m~ga táong nan~gagpápalagay na siya'y dakílang mananalumpatî: nan~gag-úubo n~g bóong ligaya ang m~ga matatandâ at caniláng pinagpípisil ang dalawáng camáy. Pagcatápos na macapagpáhid n~g páwis si capitán Basilio n~g canyáng panyóng sutlâ, ay nagpatúloy n~g pananalitâ: Yamang lubháng nápacaganda ang inyong calooban at mapagbigay lugod sa ating abáng cataohan, sa pagcacaloob sa aking acó ang macapagsalitáng máuna sa sino mang náririto, sasamantalahin co ang capahintulutang itóng sa aki'y ipinagcaloob n~g bóong cagandáhan n~g pusó at aco'y magsasalitâ. Iniisip n~g aking isip na aco'y sumasaguitnâ n~g cagalanggalang na Senado romano, "senatus populusque romanus", na sinasabi nátin niyóng m~ga caayaayang panahóng sa caculan~gang pálad n~g Sangcataóha'y hindî na magbábalic, at aking híhin~gin sa "Patres Conscripti", ang sasabihin marahil n~g pantás na si Ciceron, cung siyá ang málagay sa catayuan co n~gayón; hihín~gin co, sapagca't capós táyo sa panahón, at ang panaho'y guintô, áyon sa sábi ni Salomón na sa mahalagang pinag uusapan n~gayo'y sabíhing maliwanag, maiclí at walang
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap