Vietnam o Thailand? Bumoto para sa TOP Country ng Linggo!
Gusto mo bang mag-type nang mas mabilis? Mag-practice gamit ang typing test o mag-enjoy sa typing games!
Na-update: Agosto 9, 2026
Hindi m~ga tula, ni hindi pan~garap sa gitna n~g tuwa, kundi m~ga mithing: buhay , lakás , tyaga , ang sa talaan mo ay man~gapatala, iyan ang mabuting kalasag na handa upang sapitin mo ang inaadhika. Basahin pa Choleng sa aklat n~g buhay ang tingkad n~g aking dalan~ging dalisay; "Buhay mo'y maglayag sa kaligayahang pan~garap n~g lahat sa Sangkatauhan.
Iyan ang si Choleng na sadyang mayumi't laman n~g panulat na kahilihili, iyan ang larawang aking binabati at isang dalagang hiyas nitong Lahi, iyan ang diwatang ang paguugali'y mayamang talaan n~g saya't lwalhati, iyan ang sampagang ang samyo, ang uri'y pawang kapalarang walang pagkapawi. At n~gayo'y araw mo! N~guni't ano kaya ang maiaalay sa isang himala? Walang wala Choleng!
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap