United States or Maldives ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa sulsol ni párì Payo ay ipinadalá naman n~g capitan general na si Terrero ang Noli me Tangere sa "Comisión Permanente de Censura" upang ito'y maglagáy namán n~g canyáng pasiya. Si párì Salvador Font, fraileng agustino ang siyang naglagda n~g pasiyá, na doo'y pinacacalaitlait si Rizal hangang sa tawaguing isáng "han~gal" daw na waláng pagpalagyan sa catacsilán at samá. Ang Noli me Tangere , aní párì Font, ay isang paglabág at pamumusóng sa Religión n~g España; isang paglabág at pamumusóng sa Pan~gasiwaan, sa m~ga castilang cagawad n~g Gobierno at sa m~ga Tribunal n~g justicia; isang paglabág at pamumusóng sa hucbó n~g Guardia Civil, isang paglabág at pamumusóng sa icapapanatili n~g m~ga nasasacop n~g España, at pagcatapos n~g ganitong bugsô n~g "paglabag at pamumusóng" ay sinabi niyang sa canya raw pasya at acál