United States or South Sudan ? Vote for the TOP Country of the Week !
"Samantalang nananatili sa alaala n~g bayang Filipinas ang hindî pag limot cay Rizal, mananatili naman sa bayang iyon ang pagmimithing magcaroon n~g isáng Bayan puspós sa carapatán at may magandáng caasalán. ¡Sa abâ n~g Filipinas cung sa canya'y lumípas ang pag-aalaalang iyan! ¡Hihibic siya sa caalipnang atang n~g m~ga taga ibang lupaín! At lalò pa n~gang magalíng sa matandang España na mamuhay ang canyang naguíng anác sa marilág na casarinlán cahi't na sa carukhâan, at huwag pawîin sa dibdib ang catibayan n~g dating pagguiguiliwán, cay sa magtiis ang naguíng anác na iyan sa pagcasacóp n~g isáng áli, na cahi't magpacayamanyaman ay hindî magtátaglay cailan man niyang talinghag
¡Hindî ang cahulugan n~g pagsasaya'y dapat na gumawâ n~g m~ga caululan! ang isinagot n~g matandâ. ¡Itó rin ang halíng na pagtatapon n~g salapî sa taôn-taón! At ang lahat n~g ito'y ¿bakit? iwaldás ang salapî, sa gayóng macapál na totoo ang carukhaân at m~ga pan~gan~gailan~gan. ¡Abá! nalalaman co na; ¡itó ang pagtatapón, ang maruming paggagalac upang matacpán ang m~ga carain~gan n~g lahát!
Salita Ng Araw