Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Hunyo 24, 2025
Ang magnanakaw na tumubos ng bula de composicion, ay makaaasa sa tahimik, na siya'y pinatawad; samakatuid ay ibig ng Dios na makikain ng nakaw? Totoo bagang hirap na ang Maykapal, na nakikigaya sa mga guarda, carabineros ó guardia civil? Kung ito ang Dios na sinasamba ñg Frayle, ay tumalikod ako sa ganyang Dios.
Sino ma'y waláng naniniwalang nagsabî si Rizal na ang canyang capatíd na babae ang may dalá n~g m~ga dahong limbág na násamsam sa balutan n~g baníg at unan, Kilala n~g lahát ang ca-acasan at camahalan n~g loob ni Rizal, na ano pa't cung icapapahamac n~g canyáng capatíd, cahit maguing totoong itó ang may dalá n~g m~ga dahong limbág na iyón, aangkinin ni Rizal ang casalanan, howag lamang magdusa ang capatíd niyang babae; hindî cailâ sa canyáng capatíd na pagdatíng nila rito'y pacasisiyasating magalíng ang caniláng m~ga dalá, cayâ hindî n~gâ masasapantahang siya'y man~gan~gahas na magdádala rito n~g m~ga bagay na talastás niyang icapapahamac, liban na lamang cung sirâ ang isip, at ang capatíd na babaeng casama n~g pag-owî rito'y matalino at mapag-in~gat, lalò n~g hindî maaacalang si Rizal ang siyang magdádala n~g m~ga dahong limbag na iyón dito, sa pagca't nalalaman n~g lahát ang catalasan n~g canyang ísip; kinacailan~gan n~gang may isáng taksíl na camáy na doo'y naglagáy, at itó n~gâ ang catotohanan: Ang sumiyasat n~g balutan n~g banig at unan n~g capatíd na babae ni Rizal ay ang teniente n~g carabineros na naga-apellidong Nozaleda , pamangking boô n~g arzobispong Nozaleda, fraileng dominico, at sa acalâ n~g lahat ay itó ang naglagay sa balutang iyón n~g m~ga dahong limbág na laban sa m~ga fraile, at ang nagpatibay n~g sapantahang ito'y ang dî nalaon at nangyari. May isáng filipinong taga Naic, nagcanuló cay Don Miguel Rodriguez Berriz Juez de primera instancia sa Intramuros, (loob n~g Mayníl
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap