United States or Tuvalu ? Vote for the TOP Country of the Week !


Lumuhod na capagdaca sa haráp nang haring amá, bendición po'i, igauad na siya cong maguing sandata. Capagdaca'i, guinauaran at siya'i, binendicionan, at sa reinang iná naman ay lumuhód capagcuan. Ay ano'i, nang matapos na na mabendicionan siya, ay nagtindig capagdaca itong príncipeng masiglá. Ang despensa ay binucsán nuha nang limang tinapay, siyang babaunin lamang sa talagang parurunan.

Nang sa haring mapaquingan ang caniyang cagamutan, capagdaca'i, inutusan ang anác niyang panganay. Si D. Pedro'i, tumalima sa utos nang haring amá, iguinayác capagdaca cabayong sasac-yán niya. Yao nanga't, lumacad na cabunducan ang pinuntá, at hahanaping talagá, mahal na ibong Adarna. Mahiguit na tatlong buan paglacad niya sa párang, at hindi nga maalaman ang Tabor na cabunducan.

Nang isang gabing tahimic itong hari'i, na-iidlip, capagdaca'i, nanaguinip sa hihigán niyang banig. At ang bungang panaguimpan nitong hari cong tinuran, ang anác na si don Juan pinag lilo at pinatay. Ang dalauang tampalasang sa caniya ay pumatáy, inihulog at iniuan sa balón na calaliman. Sa pananaguinip bagá nitong mahal na monarca, nagbangon capagcaraca sa hihigán niyang cama.

Sa príncipeng napagmasdan ang sa ibong cariquitan, icao ngayo'i, pasasaan na di sa aquin nang camay. Ay nang macapaghusay na itong ibong encantada, ay siya nangang pagcantá tantong caliga-ligaya. Sa príncipeng mapaquingan ang voces na sadyang inam, capagdaca'i, nagulay-lay sa caniyang pagcasandal.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap