Vietnam or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Na-update: Mayo 11, 2025
Caya, pó, ipinamamanhic co, pó, sa inyo, nanay, na houag baga maniuala cayo sa mañga sabi-sabi nang mañga tauo, na ang cadalasan pó,i, naninira sila nang puri nang capoua tauo, gaua lamang nang canilang capanaghilian, ó casamaan nang ugali, ó nang canilang cahañgalan caya.
Caya, po, malaqui ang aming tacot sa maestrong yaon, at malaqui, po, naman aming pag-galang at pag-ibig sa caniya. Dahilan, dito,i, cami pong manga bata,i, sunod sunuran sa caniya, na ang cadalasan,i, hindi pa tapos ang caniyang utos sa amin, ay cami patacbo na sa pagsunod nang ipinag-uutos niya sa amin.
Sa dacong gabi, at pagcatapos nang aming hapunan, na ang cadalasan po,i, canin lamang na ualang ulam, ó mayroon mang ulam, ay caunting bayabas, ó dulong, ó saguin, ó canduli, ó hipon cayá ay quinacalong aco nang aquing ama, ó nang aquing ina, at sari-sari, pó, ang itinuturo nila sa aquin.
Salita Ng Araw
Ang iba ay Naghahanap