United States or Grenada ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang patintero, ang takip-silim at iba pang laro na napagpaparaanan ng mga bata ng masasayang oras ay hindi na natin muling naalaala, at ang ating paguusap sa inyong looban ay nalipat sa bulwagan ng inyong tahanan. At isang gabi na kayo ng mga tatay mo'y nagpasiyal sa Sta. Cruz ay nakita ko kayo sa harap ng simbahan. Noo'y del Pilar. Maraming tao, maraming marami.
Datapwa't ang namalas ni Tirso ay pawang m~ga lalaki rin ang nagsisiindak na magkakayapos sa gitna n~g bulwagan, at anino man ni Elsa ay di niya matanaw. Inakala niyang si Elsa ang nunugtog n~g piano.
Aywan n~ga po ba, ang sambot n~g nurse habang sila'y samasamang lumalakad sa lagusang palipat sa ibang bulwagan. N~guni't ang sabihanang narinig ko ay kagabi idinating ditong may kasamang isang lalaking sugatan sa loob n~g isang ambulancia , galing sa Intramuros at itinelepono n~g isang pulis. Nagibayo ang sikdo n~g puso ni Elsa, pagkarinig sa m~ga pahayag n~g nurse .