United States or Panama ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang aliping namamahay ay nakapagbabahay n~g sarili, n~guni't kailan~gang maglingkod sa kanyang pan~ginoon sa panahon n~g paghahasik at pag-aani sa bukiran, gumaod sa sasakyan kung may paroroonan, tumulong sa pagtatayo n~g bahay at maglingkod sa bahay niya kung may panauhin.
Inaalipin din ang lumabag sa isang pan~gulo ó maginoo na gaya halimbawa n~g magdaan sa silong ó bukiran nila, ó makasira n~g ano mang pag-aari nila, ó makatapon kaya n~g ano mang dumi kung nagdaraan sila ó magkasala n~g ano man sa m~ga kabahay n~g pan~gulo, at iba pa. Ang m~ga anak n~g talagang alipin na ay alipin din.
=Katungkulan n~g m~ga kampon sa isang balangay.= Ang sino mang kampon ay hindi bumabayad n~g buis, n~guni't napatutulong n~g pangulo sa kanyang m~ga kailan~gan, gaya sa pagtatayô n~g kanyang bahay ó sa kanyang pag-aani, sa pagbungkal n~g kanyang bukid, sa paggaod sa kanyang sasakyan at ibp.; n~guni't ayon sa salaysay ni Morga ay ibinubuis n~g m~ga kampon ang kanilang naaani sa kanikanilang bukiran.
At gayon din sa pitong araw n~g pagpapasimula n~g pamumun~ga n~g m~ga halamana't bukiran, na hindi bumabayo n~g palay at hindi rin nagpapapasoc n~g taga ibang bayan, dahil sa di umano'y panahon n~g pagdalan~gin sa Diyos upang pagcalooban sila n~g mabuting áni.
Salita Ng Araw