Vietnam o Thailand? Bumoto para sa TOP Country ng Linggo!
Gusto mo bang mag-type nang mas mabilis? Mag-practice gamit ang typing test o mag-enjoy sa typing games!
Na-update: Oktubre 28, 2026
Saca siya,i, mag-in~gat sa alac, sa café, sa man~ga silid na mainit, pati sa arao; mabuti ahitin ang ulo, at basaing parati nang malamig na tubig; houag siyang cacain nang maraming carne, at cun cacain nang carne ay sisiu lamang; bagay sa caniya ang man~ga gulay, at ang man~ga bun~gang hinog nang cahoy; lumacad siyang parati; houag pahahabain ang tulog; at macaitlo touing lingo iinumin niya ang bilin sa número 24 cun umaga.
Saca pag nacalabas sa silid, at salang mahan~ginan, siya,i, sinisipon pa mandin. Mayroon namang tauo, na dahil sa calacasan nang pag-uubo pungmuputoc ang man~ga ugat mumunti nang mata at tila nanhihinola ang bubong nang mata. Ang mabuti roo,i, basaing parati yaong hinola nang tubig na sinucaan, para nang guinagaua sa párrafo 272.