United States or Malaysia ? Vote for the TOP Country of the Week !


Pag ang may catauan dinaraanan nang hirap ay doon sa oras na yaon mayroong lungmalabas na bula sa bibig, napapaihi, at napapailaguin ang maysaquit di man cusa nang caniyang loob; ang man~ga hinlaqui nang camay ay pungmipihit; ang maysaquit ay hindi nacacaalam tauo, at cun nasasaol-an ay uala siyang namamalayang anoman sa lahat na nangyari.

Cung yaong man~ga sinabi co ay itinuloy na han~gan sa apat, lima, ó anim na oras, at hindi nasasaol-an nang buhay ang tauo, ay maitatahan na ang pag-gamot, at caalamalam patay na totoo ang tauo.

Datapoua cun baga caya tila patay ang bata dahil sapagca siya,i, mahina, ay houag putulin ang pusod; cundi pabayaan munang cacabit nang caniyang ina, nang halagang calahating oras ó isang oras caya, hangan sa ang bata,i, ga gumamit nang buhay sa caniyang ina; cuscusin naman nang mahinang pagcuscos ang catauan nang bata, nang damit na manipis, na babad sa mainit na alac sa misa; at cun hindi rin nasasaol-an nang buhay, ay sipsipin ang caliuang suso nang bata, at hipan nang malacas sa caniyang bibig, para nang turo co sa párrafo 405 na sinundan nito.

Ang ilong pati nang quibutquibutan, ay babasain nang suca; sa bibig ay huhulugan naman ang tila patay nang ilang capatac na suca rin. Cun nasasaol-an ang may catauan, ay painumin nang isang vasong tubig na malamig; ang muc-ha sampon nang dibdib niya,i, bubusan nang tubig na malamig din.

Cun hindi nasasaol-an pa ang maysaquit, nang macalalo ang saicapat na bahagui nang isang oras, ay sasangrahan sa camay. Pagca sangra na, ay maigui sumpiting minsan, at touing calahating oras paiinumin nang isang tazang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao, na sinasamahan nang caunting azúcar at suca . Nota. Cun babayi ang sinusubaan dahil sa siya,i, marugo, ganito rin ang pag-gamot doon.

Ang gayong tila patay na tauo,i, mabuti hubdan, at calaguing lubos ang lahat na tali nang damit, at masama ang may maigting doon. Cun hindi rin nasasaol-an nang buhay ang tila patay, ay mabuti sangrahan sa camay, at sumpitin nang usoc nang tabaco, para nang turo sa párrafo 457. Ang gagauin sa tila patay dahil sa siya,i, binitay.

Ang tauong nalunod sa tubig, maitim nang totoo, ó namamaga man ang caniyang muc-ha, cun minsan masasaol-an nang buhay, capag ang pagtahan niya sa tubig ay hindi lumalo sa anim ó pitong oras. Sa hindi lubhang nalauon sa tubig ay bihira ang di nasasaol-an nang buhay.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap