United States or Ukraine ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pag ang may catauan dinaraanan nang hirap ay doon sa oras na yaon mayroong lungmalabas na bula sa bibig, napapaihi, at napapailaguin ang maysaquit di man cusa nang caniyang loob; ang man~ga hinlaqui nang camay ay pungmipihit; ang maysaquit ay hindi nacacaalam tauo, at cun nasasaol-an ay uala siyang namamalayang anoman sa lahat na nangyari.
Ang panghihimatay na dala nang cáinitan nang dugo, cun minsan ay nacamamatay na tambing sa tauo, cun malaquing totoo ang saquit; cun hindi lubhang malaqui ang saquit, ang pulso ay malacas, puno at mataas, at ang caniyang muc-ha ay mapula, at namamaga; ang liig ay namamaga rin ang paghin~ga ay mahirap at ga main~gay; ang may catauan ay hindi nacacaalam tauo, napapaihi, at napapailaguin at cun minsan dungmuroal.
Bucod dito,i, hungmahaloyhoy ang may catauan, ó sungmusuca siya, at napapaihi at napapailaguin. Ang man~ga bituca ay ungmuugong; ang lauay ay cungmacayat; ang puso cunmacaba nang malacas, at ang paghin~ga ay main~gay. Ang lahat na ugat ay lungmalaqui, lalo pa ang sa liig, sa dila,t, noo.