United States or Mauritius ? Vote for the TOP Country of the Week !


Caya ang gagauin doon ay gayon: Ang tila patay idoroon sa maaliualas na lugar; bubusan ang caniyang catauan nang maraming malamig na tubig; hihipan agad sa ilong ó sa bibig, para nang turo sa párrafo 457; lalapitan sa ilong nang man~ga mabaho para nang sunog na pacpac nang manoc; ang galangalan~gan nang camay at ang quibotquibotan ay maigui hilutin nang damit na maban~go; cuscusin ang catauan nang damit na ininit sa apoy; daroonan sa talampacan nang man~ga bato ó ladrillong mainit; uugain ang catauan at bubuhating maminsan-minsan; bubunutin naman ang ilang buhoc, at tatauaguin nang caniyang pan~galan; pagca humin~ga na nang caunti, ay palonoquin nang isang cucharang agardiente.

Ang bilin sa número 32 magaling ding inumin touing umaga, bago cumain nang anoman ang maysaquit. Cun ang saquit ay malaquing totoo, at hindi nagcacasiya itong man~ga gamot, sinabi co n~gayon, ay cailan~gang pambohan, ó ibabad ang maysaquit sa tubig na malamig, pati nang ulo ay bubusan naman nang malamig na tubig; datapoua bago pambuhan ay sasangrahan muna ang maysaquit.

Ang timbang labing anim na pisong apog sa bato ó sa cabebe, na bagong yari ay bubusan nang labing anim na tagayang tubig. Saca hahaluin mong magaling at papagtinin~gin bago salain sa papel sangley. Maiinom maghapon ang isa ó dalauang tagayan noon tubig na yaon. Nota. Itong tubig nang apog cun pagbabaran nang timbang dalauang pisong dahon nang saga, ay mabuti ring lalo cun minsan.

Ang ilong pati nang quibutquibutan, ay babasain nang suca; sa bibig ay huhulugan naman ang tila patay nang ilang capatac na suca rin. Cun nasasaol-an ang may catauan, ay painumin nang isang vasong tubig na malamig; ang muc-ha sampon nang dibdib niya,i, bubusan nang tubig na malamig din.

Saca dinadalang malapit lapit sa may apoy, at bubusan pa mandin sa catauan nang malamig na tubig, hangan sa masaol-an siyang totoo. Saca inilalapit lapit pa sa apoy, at pinaiinom nang sabao nang carne, ó nang caunting aguardiente. Cun itong man~ga sinabi co n~gayon ay hindi maniya, ay sumpitin nang usoc nang tabaco para nang turo sa párrafo 457.

Ang tauong tila patay sapagca natamaan siya nang lintic, ó dahil sa man~ga sinabi co n~gayon, ay huhubdan nang damit, at ipahihiga nang pataguilid na mataas taas ang ulo sa lupa, at lalong magaling sa muthaan. Pagcaraca,i, hihipan sa bibig, ó sa ilong para nang turo sa párrafo 457. Bubusan siyang parati nang maraming ban~gang tubig na malamig sa boong catauan, lalo pa sa muc-ha,t, dibdib.

Salita Ng Araw

mapisan

Ang iba ay Naghahanap