United States or Saint Barthélemy ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sususuhin, ó sisipsipin ang caliuang suso nang bata; cucuscusin naman ang boong catauan nang magaang pagcuscos nang damit na iniinit init sa apoy; ilalapit lapit naman sa apoy ang gayong batang tila patay, ó ibabaon sa gaboc na iniinit init sa cauali. Ang ilong patí nang quibutquibutan nang bata,i, babasain nang tubig na maban~gong totoo.
Ang ilong pati nang quibutquibutan, ay babasain nang suca; sa bibig ay huhulugan naman ang tila patay nang ilang capatac na suca rin. Cun nasasaol-an ang may catauan, ay painumin nang isang vasong tubig na malamig; ang muc-ha sampon nang dibdib niya,i, bubusan nang tubig na malamig din.