United States or Réunion ? Vote for the TOP Country of the Week !


Dinaramdam ko nang labis, na sabihin sa inyo n~gayon, na sa pan~galan din n~g inyong m~ga nabanggit na asawa't anák ni Mauro, ay siya'y hindi maaaring magtaksil sa kanyang m~ga pananalig. Makalilibong nanasain kong dumating ang hinuhulaan ninyong paghihikahós, huwag lamang ang sandaling siya'y matawag na taksil at mamamátay sa m~ga dakilang kilusan n~g m~ga manggagawa.

Hindi niya maaaring patunguhan pagka't ang mga iba't ibang bahagi nitong Maynila ay hindi niya nababatid. Ipagtanong? Nguni't kanino? Hindi ba isang kahiyahiyang siya ay tutungo sa gayo't gayong pook na ang sasadyain ay lalaki pa naman? Hindi nga, naman mangyayari ang gayon!

Dinalaw na naman n~g lugod ang puso niyang tuwina'y sabik sa paggiliw n~g makatang iyong tan~ging naghahari sa kanyang kaluluwa. ¡Labas nang talaga sa dilang alinlan~gan ang pagwawagi n~g kanyang m~ga han~garin! Subali't n~gayong natitiyak na ang kanyang pagwawagi, ay n~gayon naman siya nauumid mandin sa naglalambin~gang bigkasin n~g makata at sa m~ga kilos nitong maaaring mahalata n~g iba.

Tahasang sinasabi ko na di ako maaaring mamalagi sa ganitong buhay na pinaghatdan mo sa akin...." "Inuulit kong ikaw n~ga, Tirso, ang sanhi at kadahilanan n~g lahat na ito.

Pagkatapos n~g pagkakasunduan ay ginaganap ang pagkakaloob n~g bigay-kaya na ang karaniwang halaga ay isang daang putol na ginto na maaaring palitan n~g m~ga alipin ó m~ga hiyas.

Kaya hindi maaaring sumagi sa kalooban ng binata ang gawang paglimot. Tunay at wagas ang kanyang pagibig at pagmamahal. Ngayon pang kanyang damdamin ay hindi man lamang dinadalaw ng ano mang pagkainip pagka't mula na nang sila ay magsumpaan ni Leoning, na, di magkukupas ang kanilang matamis na pagsusuyuan, sa pakiwari niya ay siya na ang napakaligaya sa lahat sa sangdaigdig.

Ang mga sandaling yaon ay siyang huling gabi ng kanilang paguusap, at kung maulit man ay maluluwatan na pagka't sa kinabukasan ng araw na yaon ay patungo ng Maynila, si Eduardo, sa dahilang panahon na naman ng pagbubukas ng mga paaralan. Hindi na niya maaaring magawa pa ang dating pagdalaw kay Leoning na walang liban tuwing hapon.

Oo, huwag na. Eduardo, hindi, hindi maaaring kita ay malimot sa alaala, narito ako upang sa mga noo mo ay lagdaan kita ng halik. Eduardo tulutan mong halikan ko ang noo mo. Leoning, salamat, huwag na, oo, utang na loob lumayo ka na sa akin. Eduardo, kahit na itong bulaklak, halikan mo lamang ito kung ikaw ay ayaw. Leoning, ang lahat ng ito ay ano ang ibig mong sabihin?

N~guni, María, huwág cang umiyác; dárating ang Capitan General, nanasain cang makita, at mamúmulá ang m~ga mata mo ... ¡Ay! ang isip co pa nama'y magtátamo acó n~g isáng hápong maligaya ... cung lámang itong nángyaring malakíng casacunâang ito'y acó sána ang lálong maligaya sa lahat n~g m~ga táo at mananagbíli sa akin ang lahát ... Tumiwasáy ca, anác co; ¡higuit ang casaliwâng palad co cay sa iyó ay hindî acó umiiyác! ¡Maaaring magcaroon ca n~g man~gin~gibig na lálong magaling, datapuwa't acó'y mawáwalan n~g limampóng libong piso! ¡Ay, Virgen sa Antipolo, cung magcaroon man lámang sána acó n~g magandáng palad sa gabing itó!

Sinasabi sa akin n~g caibigan cong si Sinang at saca ni Andeng na aking capatíd sa gatas, na siya'y may pagcaculang-culang ang ísip. ¡Gawín mo sana n~g paraang siya'y howag pumarito! Hindî maaaring siya'y hindî natin anyayahan ang sagot ni Ibarrang nag-iisip-ísip. Catungculang atang ito n~g caugalian n~g bayan; siya'y nasa bahay mo at bucod sa rito'y nag-ugaling mahal siya sa akin.