United States or Bahamas ? Vote for the TOP Country of the Week !
Hindi niya maaaring patunguhan pagka't ang mga iba't ibang bahagi nitong Maynila ay hindi niya nababatid. Ipagtanong? Nguni't kanino? Hindi ba isang kahiyahiyang siya ay tutungo sa gayo't gayong pook na ang sasadyain ay lalaki pa naman? Hindi nga, naman mangyayari ang gayon!
Pangit nga naman kung kanyang sasadyai'y tahanan pa ni Eduardo. Nais niyang makita ang kalagayan ng binata datapwa't hindi niya gagawin ang magsadya sa kanyang tahanan. At, sa paanong paraan niya maaring patunguhan ang bahay ng ating binata? Sinong magtuturo sa kanya? Oh! ang lahat ay di maaari.