United States or Peru ? Vote for the TOP Country of the Week !


Kaya hindi maaaring sumagi sa kalooban ng binata ang gawang paglimot. Tunay at wagas ang kanyang pagibig at pagmamahal. Ngayon pang kanyang damdamin ay hindi man lamang dinadalaw ng ano mang pagkainip pagka't mula na nang sila ay magsumpaan ni Leoning, na, di magkukupas ang kanilang matamis na pagsusuyuan, sa pakiwari niya ay siya na ang napakaligaya sa lahat sa sangdaigdig.

Ang parang kapatid na pagsusuyuan bunsó ko, Dalmacia'y pailagilagan, sapagka't ang lihim niyang kalooban ay di mo talastas ang patutun~guhan. At huag ka namang magpapakaniig sa may asawa na n~g pakikipanig sapagka't kung minsa'y pinapagdurun~gis n~g palabintan~gin ang puring malinis.

At wala na, iyan lamang, iyan lamang ang minsan ay kanyang masabi sa pagiisa. Waring wala na siyang napapangarap kundi ang larawan ni Leoning at ng bagong kasintahan na tila ba nasa mga balintataw ng kanyang mga mata ang larawang anyu ng dalawa na nagduduyan sa kandungan ng pagibig at sinasagap ang matamis na hamog ng pagsusuyuan: sa kandungan ni Daniel Perez. Kaawaawang Eduardo!

Dalawang pusong sa kaliwanagan ng buwan ng gabi ay maligayang nagduduyan sa katamisan ng pagibig. Dalawang pusong umaawit ng tagumpay na walang nakamalay.... Kay palad na mga puso! Oo, kay palad sapagka't ang katamisan ng pagmamahalan, at katamisan ng pagsusuyuan ay nasamyo nilang boong laya, nasamyong tulad sa bulaklak na sariwang humahalimuyak na hinahalikan ng hamog.

Salita Ng Araw

palomo

Ang iba ay Naghahanap