United States or British Virgin Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !


Para sa kanya ay tila laging nabubuhay ang kanyang loob kung ang larawan ni Eduardo ay kanyang sa minsanminsan ay napapangarap. Dangan nga lamang ay hindi niya naging palad si Eduardo. Nguni't hindi nagbabago sa kanyang kalooban ang dating pagibig na nauunsiyami sa puso niyang ngayon ay siyang dahilan ng mga pagtitiis ng ating binata.

Oh Maynila! Gayon na lamang ang pagkatuwa niya dahilan sa sasapiting walang pagsala ang pook ng aliw ... ang Maynila! Sasapiting walang pagsala ang laging napapangarap ang kinalalagyan ng kanyang irog: ni Eduardo. Anong ligaya nga naman ng gayon sa puso ni Leoning!

Hindi, hindi Eduardo, sa puso ko ay di ka nalilimot, laging sariwa sa kaibuturan ng aking puso ang ngalan mo. Nguni't ako ay kulangpalad at sa kandungan mo ay di doon makapagpasasa ng kaligayahan ng puso gayon ang aking buhay na kagaya nang napapangarap ko noong una . Ay! Eduardo, sa aba ko ay talagang hindi mo nga ako palad at ikaw naman sa akin ay gayon din.

At wala na, iyan lamang, iyan lamang ang minsan ay kanyang masabi sa pagiisa. Waring wala na siyang napapangarap kundi ang larawan ni Leoning at ng bagong kasintahan na tila ba nasa mga balintataw ng kanyang mga mata ang larawang anyu ng dalawa na nagduduyan sa kandungan ng pagibig at sinasagap ang matamis na hamog ng pagsusuyuan: sa kandungan ni Daniel Perez. Kaawaawang Eduardo!

Kaya ang liham na iyon ay binasa na ganito ang mga natititik: Eduardo : Dumating ang mga sandaling tila isang pagkukulang ko sa iyo kundi ibalita ang nauukol sa ating naging palad . Kay lungkot gunitain! Sa puso ko ay walang namamahay ngayon kundi ang mga pighati. Hindi ko man nababatid ang kalagayan mo sa ngayon ay waring napapangarap kong gayon din.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap