United States or Guinea-Bissau ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Nacahigâ pô sa baníg at may sakit ang lingcôd n~g camahalan ninyó! ang idinugtông na bóong capacumbabaan ni párì Salvi; pagcatapos na magtamó n~g lugód na macabati pô sa inyó at macumusta namin ang inyóng calagayan, ayon sa nararapat gawin n~g lahat n~g mababait na m~ga lingcód n~g Hari at n~g lahát n~g taong may pinag-aralan, naparito pô naman cami sa n~galan n~g mapitagang lingcód ninyó, na may casaliwang palad na....
N~guni, María, huwág cang umiyác; dárating ang Capitan General, nanasain cang makita, at mamúmulá ang m~ga mata mo ... ¡Ay! ang isip co pa nama'y magtátamo acó n~g isáng hápong maligaya ... cung dî lámang itong nángyaring malakíng casacunâang ito'y acó sána ang lálong maligaya sa lahat n~g m~ga táo at mananagbíli sa akin ang lahát ... Tumiwasáy ca, anác co; ¡higuit ang casaliwâng palad co cay sa iyó ay hindî acó umiiyác! ¡Maaaring magcaroon ca n~g man~gin~gibig na lálong magaling, datapuwa't acó'y mawáwalan n~g limampóng libong piso! ¡Ay, Virgen sa Antipolo, cung magcaroon man lámang sána acó n~g magandáng palad sa gabing itó!