United States or Comoros ? Vote for the TOP Country of the Week !
N~guni, María, huwág cang umiyác; dárating ang Capitan General, nanasain cang makita, at mamúmulá ang m~ga mata mo ... ¡Ay! ang isip co pa nama'y magtátamo acó n~g isáng hápong maligaya ... cung dî lámang itong nángyaring malakíng casacunâang ito'y acó sána ang lálong maligaya sa lahat n~g m~ga táo at mananagbíli sa akin ang lahát ... Tumiwasáy ca, anác co; ¡higuit ang casaliwâng palad co cay sa iyó ay hindî acó umiiyác! ¡Maaaring magcaroon ca n~g man~gin~gibig na lálong magaling, datapuwa't acó'y mawáwalan n~g limampóng libong piso! ¡Ay, Virgen sa Antipolo, cung magcaroon man lámang sána acó n~g magandáng palad sa gabing itó!
Pinahíran n~g lúha ang canyáng m~ga matá, pagpílit na tumiwasáy at nagsabi sa m~ga guardia n~g marahang tínig: ¡Na sa bayan na tayo! Hindî mapaglírip ang anyô n~g canyáng pagcápanalitâ; yao'y daing, sisi, hibic, yaó'y dalán~gin, yaón ang pighatíng binuò sa tínig. Sinagót siyá n~g isáng tan~gô n~g m~ga sundalong sa canyá'y naháhabag.
Salita Ng Araw