United States or Malaysia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Si Urbana cay Feliza . MANILA.... FELIZA: Cun si Honesto,i, isasama mong magpacial, ay papamihasahin sa paglacad na mahinhin, ang biling cong ito,i, sa iyo,t, sa caniya,i, ná-uucol naman. Cun nagpapacial ay houag tutulinan ang lacad, lalo,t, cun may ibang casama.
Cun papasoc sa isang halaman, ay houag man~gahas muti nang man~ga bulaclac, mitas nang bun~ga nang man~ga hálaman, cun di pinaguutusan nang may ari. Cun may papanhiquing bahay, ay houag darampot nang anomang casangcapan, ó laroan caya, sapagca,t, isang capan~gahasan. Cun ang bata,i, may casamang matandá, ay houag tutulinan ang lacad, at alalahanin ang cahinaan nang caniyang casama.