United States or Benin ? Vote for the TOP Country of the Week !


Madilim ang gabí: tahimic na tumutulog ang m~ga namamayan; ang m~ga familiang nag-alaala sa m~ga namatay na'y tumulog na n~g boong capanatagán at capayapaan n~g loob: nan~gagdasál na silá n~g tatlóng bahagui n~g rosario na may m~ga "requiem", ang pagsisiyám sa m~ga cálolowa at nan~gagpanín~gas n~g maraming candilang pagkít sa haráp n~g m~ga mahál na larawan.

N~guni't ang inang hindî gaya niyang musmós at hindî nagtatacbó sa loob n~g isang horas ay hindî tumutulog. Magcacaroon na n~g icapitong horas n~g umaga n~g matapos ni Fr. Salví ang canyang catapusáng misa: guinaw

¡Abá, nacatulog! anáng tía n~g sabing malacás; palibhasa'y bata't waláng anó mang pinanínimdim, tumutulog na parang patáy. Nang lubhâ n~g tahimic ang lahát; nagtindig si María Clara n~g marahan at lumin~gap sa canyáng paligid: námasid ang bataláng bató, ang maliliit na m~ga bálag, na napapaliguan n~g mapangláw na liwanag n~g buwán.

N~guni't hindî tumutulog, nagpúpuyat, ang batang franciscanong hindî pa nalalaong nakita nating hindî cumikilos at hindî umíimic. Napapatong ang síco sa palababahan n~g durun~gawan n~g canyáng "celda" at saló n~g pálad n~g camáy ang putlai't payát na mukhâ, canyáng pinanonood sa maláyò ang isáng bituing numíningning sa madilím na lan~git.

¡Isáng mapanatag na hináharap! ¡Tumutulog na parang patáy! ang sinabi n~g marahan at sacâ tinun~go ang bataláng bató. Nagugupiling ang ciudad, waláng naririn~gig na manacanacâ cung ang ugong n~g isang cocheng nagdaraan sa tuláy na cahoy sa ibabaw n~g ilog, na ilinarawan n~g payapang tubig nitó ang sinag n~g buwan.

Salita Ng Araw

matitimbuang

Ang iba ay Naghahanap