United States or Malaysia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Datapoua,t, tila pò minsang nabasa namin na ang bundoc na totoong matataas, na para nang Pico de Tenerife sa Canarias, at para naman nang iba pa sa Perú, ay nacucubcob nang nieve ó namumuong tubig sa boong taon. Quinacailan~gang doo,y, palagui ang taglamig, at gayon man ay na sa calaguitnaan ang dalauang trópico. Ang ama. May catouiran ca, Juan.
Si Teodora. ¿Sa bagay ay ualang taglamig? Ang ama. Hindi, cailan man ay hindi nararanasan ang totoong calamigan sa man~ga bayan ó lugar na maiinit na na sa calaguitnaan nang dalauang trópico. Hindi pa nalalaong sinasabi co sa inyo. ¿Di baga ninyo nalilimutan ang tauag sa man~ga lugar na ito? Si Enrique. Tinatauag pong zona tórrida. Ang ama.