United States or Anguilla ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang uinica nang negrita ganito'i, tahaquin co na, at nang iyong maquilala yaong si doña María. Ang bundóc mong inilagay sa tapat nang durungauan, doon naman maguiguisnan sa pusod nang caragatan. At guinaua pang castillo nang pag-ibig nga sa iyo, saca ngayo'i, nilimot mo at hindi mo asicaso. Singsing nang haring mahal nahulog sa caragatan, di iyong tinad-tad naman si doña Maríang hirang.