United States or North Korea ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang man~ga bata,i, maigui pambohan pag nacalalo na ang labingdalaua, ó labinlimang arao nang pan~gan~ganac sa canila. Ang ipapambo roo,i, ang malamig na tubig na ualang calahoc na anoman. Itong gauang ito,i, magaling gauin arao-arao, sa panahon man nang tag-guinao ó tag-sigua, sapagca totoong nacacapagpalacas sa catauan nang bata.
Mabuting totoo naman, ang cuscusin touing umaga nang isang basahang tuyo ang boong catauan, lalo pa ang casangcapang masaquit. Sa panahong tag-guinao ay magaling gumamit ang maysaquit nang damit nang balahibo nang tupa na pasasayarin sa laman; na-aari rin ang damit na tinina nang azul.