United States or Netherlands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang sabi sa kanya ay isang dalaga ang dadalawin? Samakatuwid ay maliwanag niya ngayong nabatid na siya ay pinagtataksilan ni Leonora. Pinagsusukaban pala siya at ganap na nilapastangan ang pagkalalaki. Sumilakbo ang kanyang dugo at nagdilim ang kanyang pangmalas. Hindi niya sukat akalain ang lahat ng iyon! Si Fely raw! Oh! taksil na Leonora! Sukab na babae!
Nguni't ayon sa paalam sa asawa ay dadalaw sa kaibigang naging kadalaga! Oh! kung magtaksil at magsinungaling nga naman ang babae! Kaya't pagkarinig na iyon ni Daniel sa tinig ng pangungusap ay isang lalaki ang kapiling ni Leoning at hindi pala babae, na ayon sa sabi sa kanya ay dalaga, ay waring sumilakbo agad ang kanyang dugo at pinagdimlan ng paningin.